Monday, October 13, 2008

r.a.n.d.o.m posts and I love you this much award.

October 10, Friday.

Maulan ang araw na iyon, pero tumuloy pa rin ako na magpunta sa badminton court para maglaro. Masaya naman ang paglalaro ko, sobrang nakakapagod may nakalaro kasi akong dalawang super galing, halos pinaglaruan nga lang nila ako eh kasi di naman ako masyadong magalaing. Grr.

October 11, Saturday.

Kaarawan 'yun ni John na aking kaibigan. Tinext nya ako na pupunta daw ang mga pinsan ko sa kanila kaya sumama daw ako. Sumama naman ako. Inintay ko ang mga pinsan ko kasama ang Auntie ko at ilang mga kananayan sa Church nila dahil may Bible study silang gagawin doon sa mga relatives ni John. Nagintay din ako ng mga ilang minuto doon sa may kanto ng papasok sa lugar nila John, hindi ko kasi alam 'yung daan papunta doon. Nang dumating na sila, muntik pa nga akong malagpasan, ay hindi, nalagpasan na pala ako. Dali-dali akong tumakbo papunta sa van. Nang ako ay pasakay na may isang taong pilit na bumababa ng van dahil dumating ako. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita nya ako ay umaalis sya. Para syang bata. Hindi ko sya maintindihan. Pangalawang beses na iyon na umalis syang bigla pag-nakikita nya ako. Nakaka-iinis na nga eh. Masyado syang nagpapa-obvious, kahit nga 'yung ibang tao na walang alam ay may nalalaman na tuloy. Nakakahiya na talaga ang ginagawa nya.

So back to the topic. Pagdating namin sa bahay ni John. Wala pa sya. Kamusta naman 'yun ang birthday boy ay wala, umalis, at di namin alam kung saan pumunta. Inintay na lang namin sya doon sa kubo sa likod ng bahay nila. Mabuti na lang at maganda at mahangin sa lugar nila. Super na-enjoy namin ang pag-stay sa kubo. Kung ano-ano na ang napag-usapan namin, mula sa walk-out boy, hanggang sa camp at kung ano pa. Kasama ko si Pastor Aries ang youth pastor sa church ng mga pinsan ko, si Kuya Enteng na kahit kailan ay nakakatawa, hindi ko alam kung bakit 'yun ang nick name nya kasi ang totoo nyang pangalan ay Walter, oh diba sosyal. Kasama ko rin ang mga pinsan ko na si ate Hazel at ang kapatid nya na si Hershey. Sa sobrang tagal ni John ay kinailangan ng umalis ni Ptr. Aries dahil may gawain pa sa church, at si ate Hazel naman ay may appointment pa sa mga kaibigan nya na may kaarawan din. So kaming 3 na lang ni Hershey at kuya Enteng ang natira. Kung ano-ano na naman ang napag-usapan namin. Tinuruan pa nila ako ng yoga-kuno. May papikit-pikit pa silang nalalaman, isang kalokohan lang pala. Tinuruan nila ako ng action 'yun daw ung yoga may sinasabi pang mga kung ano-ano, biglang sinabayan ng kantang "ako ay may lobo". Natawa talaga ako sobra. Haha. Naloko nila ako 'dun ah. Dahil sa mga kwentuhan at tawanan namin, nagutom kami at napagkasunduan na kumain muna kami ng barbecue. Salamat dahil nilibre kami ni kuya Enteng.

Kumpleto na ang relatives ni John kaya they started the Bible study. Sakto dumating na si John mga around 5 pm, kamusta naman 'yun 3 pm kami nagpunta dun. Nagpunta pa pala sya sa lolo at lola nya sa ParaƱaque. So 'yun after ng B.S ay nagkainan na kami at after ng ilang mnuto ay umalis na kami. Napagpasyahan ko na 'wag ng sumunod kina Mama sa B.S naman namin sa mga youth sa church dahil gabi na at baka ma-traffic ako. sumama na lang ako sa pinsan ko sa church nila.

Pagdating namin 'dun nagpunta pa ulit kami sa isang kainan. Hehe. Busog na busog ako nung araw na iyon. After nun, ay nagpunta kami sa church. Naisip ko andun na naman si walk-out boy kasi nagpa-practice sila for the praise and worship service. Nag-alala ako kasi baka pag-nakita nya ako ay umalis na naman sya, pero sabi ng pinsan ko hindi daw makaka-asal ng ganon 'yun dahil andun ang papa nya na Pastor sa church nila. Pagpasok ko, nakita ko sya sa isang sulok sa church na nakaupo parang kaawa-awa ang itsura nya. Dapat pala nilapitan ko sya para tanungin kung bakit ganon pero di ko nagawa. Hanggang sa umalis na kami at umuwi na sa bahay ng pinsan ko dahil dun ako susunduin ng mga magulang ko.

October 12, Sunday.

Maaga akong nagising upang mag-handa sa aming Sunday service. Ako ang unang natapos mag-bihis at mag-ayos sa amin. Yehey! Lagi kasi akong huli kumilos eh. Hehe. Di naman kami na-late for the Sunday school, si Mama at Papa kasi ay nagtuturo ng Sunday school kaya dapat maaga kami. Walang teacher ang mga youth dahil ang asawa ng aming teacher ay nanganak na at kasalukuyang nasa hospital. So inintay na lang namin mag-start ang service. Nag-start na nga ang service. Nagulat ako dahil si Papa ang presider, absent kasi ang dapat na presider so bilang associate pastor sa church namin sya nag nag-preside. Ang speaker naman ay si Pastor Jun, he preached about effective prayer.

After ng service ay umuwi na kami, at pag-uwi namin, kumain kami ng lunch at medyo ngkwentuhan kami ng family ko, tinuro ko sa kanila ang timnuro sakin nila Hershey na yoga-kuno. Hindi nga masyadong bumenta sa kanila eh. Haha. Medyo natulog ako saglit at pag-gising ko niyaya ako ni Mama na magpunta sa mall para bumili sa supermarket. Gabi na kami nakauwi at pag-uwi ko pag-open ko ng blog ko....

Eto ang natanggap ko.....

I love You this Much Award
mula kay Rochelle



Rule: Link the person who started this award.
Link the person who "LOVE" you .
Post the rules on your blog (this is what you are now reading).
Tag 7 people at the end of your post and link to them.
Let each person know they have been "LOVED" and leave a comment on their blog.

Passing on this award to: Jez, Jhen, Jhie, Kate, Ladygee, Macey, Merie,

8 comments:

Candylimp said...

wow naman!!! thanks sis~~

jh3n said...

aww. thanks sis. :) mwah!

mSheng12 said...

wooow random post nga :D i want to play badminton again!!

thanks for the award!! you are loved too :D

Tiff k said...

hello! wow! what an interesting name ya have! hehe lo jeru! =) wanna link ex? will link ya!

JERUsaLAINE said...

thanks tiff :)
sure.. i'll link you too.

rochelle said...

hi sis... may award na naman ako para sayo ((:

Tiff k said...

lo jeru!! hehe

Got a new post! ay nakalock ata cbxo mo... hehe hindi ako makapost :p hehe

JERUsaLAINE said...

rochelle, thanks again for the award :)

tiff k, i'm sorry nakalock pala cbox ko..haha

 

Love a NURSE... You won't regret ;) | Creative Commons Attribution- Noncommercial License | Dandy Dandilion Designed by Simply Fabulous Blogger Templates